^

Punto Mo

EDITORYAL - Pinalakas ang loob ng mga walang bahay

Pang-masa

HINDI maganda ang sinabi ni President Rodrigo Duterte na hayaan na lamang daw sa mga mi­yembro ng Kadamay ang housing units sa Bulacan na kanilang inokupa, tatlong linggo na ang nakararaan. Ang pagpayag ni Duterte sa Kadamay ay parang pagbibigay na rin ng “go signal” sa iba pang walang bahay at lupa na okupahan ang iba pang housing projects ng gobyerno. Magkakalakas ng loob ang mga walang bahay na lusubin ang inaakala nilang project ng gobyerno at doon na mamamalagi hanggang sa ipagkaloob na sa kanila. Nagkaroon na sila ng paghahambingan.

Sa ginawa ng Presidente, ang nawalan ng bahay ay mga sundalo at pulis. Ang mga unit na inokupahan ng Kadamay ay nakalaan para sa mga sundalo at pulis at kaya lamang hindi pa lumilipat ay isinasaayos pa ang mga papeles. Sabi naman ng Presidente, bibigyan niya nang mas malaking bahay at lote ang mga sundalo at pulis. Mas maliliit umano ang inokupa ng Kadamay.

Mahigit 2,000 miyembro ng Kadamay ang lumusob sa dalawang housing projects sa Pandi at San Jose del Monte, Bulacan. Nagdala na sila ng pagkain, tubig, banig, unan at iba pa sa mga napiling units. Ang iba ay nilagyan na ng bakod ang kanilang napiling unit. Nilagyan na ng kurtina ang mga bintana at kung anu-ano pa na nagpapakitang sa kanila na nga ang unit.

Sabi ng Kadamay members, nakatiwangwang lamang ang mga unit at nasisira kaya minabuti nilang okupahan ang mga iyon. Maraming beses na raw silang nagtungo sa Mendiola at idinaing ang kanilamg problema sa pabahay pero hindi sila pinakikinggan. Iyon ang dahilan kaya ipinasya na nilang okupahan ang mga bahay kahit wala pang kuryente at tubig.

Ang tanong ngayon ay paano nila babayaran ang mga bahay na inokupa? May kakayahan ba silang bayaran ang buwanang hulog gayung walang nakaaalam kung ano ang kanilang ikinabubuhay. O ibibigay na lang ito nang libre? Paano naman ang ginastos ng gobyerno. Dapat hindi naging mabilis ang pasya ng Presidente na ipagkaloob agad sa Kadamay ang mga bahay. Dapat dumaan sa legal na proseso ang lahat.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with