^

PSN Showbiz

T.O.P. may buffet adventure

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang Kapuso boy band na Top One Project (T.O.P.) ang makakasama ni Vicky Morales sa Good News ngayong Lunes (April 3).

Mas masaya raw ang bakasyon kung masaya rin ang tiyan nang hindi nawawasak ang budget. Kasama ang ilan sa mga myembro ng T.O.P., pupuntahan ng Good News ang mga buffet na hindi lalagpas sa P200. Mula almusal hanggang sa eat-all-you-can na lechon, at tempura, siguradong abot-langit ang kabusugan ng viewers ngayong summer!

Samantala, patutunayan naman ni Maey Bautista na hindi kailangang sumakay ng eroplano para sa bakasyong bongga! Lilibutin niya ang probinsya ng Pampanga kung saan magre-relax siya nang buong araw sa isang public park sa napakamurang halaga. Pagkabisita sa isang zoo kung saan pwedeng pakainin ang mga ibon, kakain naman si Maey ng sisig na may sangkap na kakaiba...ang buwaya!

Hindi na nakapagtataka kung bakit tinaguriang wonder fruit ang buko dahil sa sangkatutak nitong benepisyo sa kalusugan. Pero alam n’yo bang sangkatutak din ang recipe na pwede nitong pagbidahan?

Mula sa Pansit Buko at Vegetarian Buko Lumpia, hanggang sa Sinigang sa Buko, siguradong mabubuko na ang linamnam ng prutas na ito.

At ang mga sako na lalagyan ng mga pagkain, bibida sa mga proyektong madali lang gawin. Alamin kung paano gumawa ng unan, bag, lalagyan ng halaman at kurtina mula sa mga sakong gawa sa iba’t ibang materyales. Ang kaila­ngan lang, sinulid at tiyaga!

Abangan ang magandang balita ni Vicky Morales ngayong Lunes sa Good News, 8 p.m. sa GMA News TV.

vuukle comment

BUFFET ADVENTURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with