^

PM Sports

Tanduay, Racal nakauna

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Kapwa lumapit sa isang panalo patungo sa Finals ng 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup ang Tanduay at Racal Ceramica matapos maka-una sa kanilang mga best-of-three semifinals series na ginanap sa Marikina Sports Complex kahapon.

Nasilat ng Tanduay ang Cignal-San Beda sa iskor na 66-55 habang naitakas ng Racal Ceramica ang Game 1 laban sa CafeFrance sa iskor na 88-86.

Bumangko sa malakas na third quarter performance nina Mark Cruz at Jerwin Gaco ang Rhum Masters para tapusin ang eight-game winning streak ng Hawkeyes at kunin ang 1-0 abante sa kanilang serye.

Nagsanib-puwersa ang dalawang dating pro para sa 22 sa kabuuang 28 puntos ng Rhum Masters sa third quarter upang pamunuan ang kanilang koponan na higitan ang 15 puntos lamang na naitala ng Hawkeyes.

Tumapos ng 16 at 15 puntos sina Cruz at Gaco ayon sa pagkakasunod.

Nagtala naman ng 13 puntos ang isa ring dating pro na si Pamboy Raymundo mula sa bench para sa Cignal na nakakuha lamang ng 15 puntos sa kanilang unang lima sa pangunguna ng 11 ni power forward Javee Mocon.

Naitakas naman  ng Racal Ceramica ang Game 1 sa kanilang best-of-three semifinals series ng CafeFrance sa iskor na 88-86.

Inilayag ni EAC small forward Sidney Onwubere ang 19 sa kanyang 24 na puntos sa fourth quarter, kabilang ang tres sa huling 1.9 segundo, upang buhatin ang Racal tungo sa 1-0 lead.

Ipinukol rin ni Onwubere ang apat sa kanyang limang tres sa huling canto, kung saan dalawa rito ay bahagi ng 9-2 run ng Tile Masters para bumalik mula sa pitong puntos na pagkakaiwan at maagaw ang 84-83 bentahe sa huling 43 segundo.

“Talagang nilabas ko mga shooters. We’re just looking for a decent shot,” ani Racal head coach Jerry Codiñera. (FMLumba)

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with