^

PM Sports

Phoenix, Alaska tangka ang 2-0

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Magpaparada ng bagong import ang Phoenix at Star habang tatargetin ng Alaska ang kanilang ikalawang sunod na panalo para makasosyo sa liderato.

Lalabanan ng Fuel Masters ang Hotshots ngayong alas-7 ng gabi matapos ang bakbakan ng Aces at Blackwater Elite sa alas-4:15 ng hapon sa 2017 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Ibabandera ng Phoenix ang 6-foot-9 na si Jameel McKay bilang kapalit ni 6’5 Eugene Phelps, kumamada ng  53 points at 21 rebounds sa kanilang 118-116 double overtime win laban sa Blackwater noong Sabado.

Ang 24-anyos na si McKay, produkto ng Iowa State Cyclones kung saan siya nagtala ng mga averages na 11.1 points, 8.3 rebounds at 2.0 blocks ay huling naglaro para sa Perth Wildcats sa Australian league.

“He is a rim protector, runs the floor,” sabi ni Fuel Masters’ coach Ariel Vanguardia kay McKay na kilala bilang isang solidong defensive player at isang undrafted player noong 2016 NBA Draft.

Itatapat ng Star kay McKay ang 6’8 at 24-an-yos ding si Tony Mitchell, miyembro ng US team sa 2010 FIBA Americas U-18 Championship.

Si Mitchell ang No. 37 pick ng Detroit Pistons noong 2013 NBA Draft at nakita sa aksyon sa 31 laro ng koponan.

Sa unang laro, pupuntiryahin ng Alaska ang kanilang pangalawang dikit na panalo sa pagsagupa sa Blackwater.

“Coach Leo (Isaac) has done a great job in building the team,” wika ni Aces’ mentor Alex Compton sa Elite. “They beat us last conference and we know we need to play exceptionally sharp.”

Sa kanyang PBA debut ay kumolekta si import Cory Jefferson, pumalit kay Octavius Ellis, ng 21 points at 14 rebounds sa 107-79 pagdurog ng Alaska sa Globalport noong Sabado.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with