^

PSN Palaro

James ibinangon ang Cavs

Pilipino Star Ngayon

LOS ANGELES - Parang hindi nanggaling sa isang karamdaman si LeBron James.

Kumamada si James ng 24 points para tulungan ang Cleveland Cavaliers sa 102-95 panalo laban sa Milwaukee Bucks.

Nagposte rin ang reig­ning NBA finals MVP na si James ng 10 rebounds at 6 assists para ibangon ang Cleveland mula sa  pagkatalo sa Chicago Bulls noong Sabado at patibayin ang paghawak sa No. 1 seat sa Eastern Conference.

Pinaganda ng Cavaliers ang kanilang record sa 41-17 kasama ang 9-2 baraha sa kabuuan ng Pebrero.

“February is over, huh? Yeah, that (stinks),” sabi ni James.

May 0-4 marka ang Cavs kapag wala si James ngayong season.

Umiskor naman si Kyrie Irving ng 25 points para banderahan ang Cleveland at nagdagdag sina Derrick Williams at Kyle Korver ng 14 at 13 markers, ayon sa pagkakasunod at may 11 points si Richard Jefferson.

Pinamunuan ni Malcolm Brogdon ang Bucks sa kanyang 20 points, habang nagtala si Giannis Antetokounmpo ng malam­yang 4-of-13 fieldgoal shooting para sa kanyang 9 markers.

Samantala, nagbalik si Kevin Durant mula sa isang injury at tumipa ng 27 points para ihatid ang Golden State Warriors sa 119-108 panalo kontra sa Philadelphia 76ers.

Tinulungan ni Durant, hindi nakalaro sa huling laban ng Warriors bunga ng bruised left hand, ang Golden State sa kanilang ikaapat na sunod na panalo.

May 50-9 record, nakatiyak na ang Warriors ng silya sa playoffs.

Nag-ambag naman si Klay Thompson ng 21 points para sa Golden State, habang may season best 16 markers si Zaza Pachulia.

vuukle comment

CLEVELAND CAVALIERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with