^

PSN Opinyon

Bising-bisi

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Bising-bisi si DOJ Sec. Vitaliano Aguirre sa mga pahayag niya. Sa panayam sa radyo noong Biyernes ng umaga, binanggit niya na ang sasakyan ng dating staff ni dating Sen. Jamby Madrigal ay pinagbabaril daw sa Makati. Walang naganap na pananambang sa Makati. Ito ang pahayag ng Makati police. Pinag-uusapan ni Aguirre sa radyo ang tangkang pagsuhol umano ng ilang miyembro ng Liberal Party sa mga bilanggo na tumes­tigo laban kay Sen. De Lima, para baliktarin ang kanilang mga testimonya nang banggitin ang naganap daw na pananambang. Sa ngayon ay wala pang maipakitang ebidensiya si Aguirre sa nasabing suhol.

Hindi rin magandang tinanggap ng embahada ng Korea ang pahayag ni Aguirre na ilang empleyado ng kanilang embahada ay nakompromiso na ng sinasabing “Korean Mafia”. Inilalagay lang si Jee Ick-joo sa masamang posisyon sa kanyang pahayag na iyan, na mismo ang PNP at NBI na ang nagsabing walang kinalaman ang “Korean Mafia” sa kaso ni Jee, kung may mafia man. Saan ba niya nakukuha ang kanyang mga impormasyon? May pinagkukuhanan ba siya o mga pahayag lang niya ito, o inutusan siyang maglabas ng mga ganitong pahayag?

Ganundin si Communications secretary Martin Andanar. Saan nanggaling ang kanyang pahayag na ang mga reporter na dumalo sa press conference ni Arthur Lascañas ay binigyan ng isang libong dolyar na suhol. Hindi ito magandamg tinanggap ng National Union of Jornalists of the Philippines. Sa totoo nga, sinabihan si Andanar na humingi ng tawad sa mga reporter na pina­saringan niya. Siyempre hindi ginawa ni Andanar, na nagmatigas pa rin.

Mukhang may “psychological warfare” na nagaganap ngayon. Mga pahayag na inilalabas ng administrasyon para magkaroon lang ng duda at gulo sa isipan ng mamamayan, pero wala naman basehan o matibay na ebidensiya, masabi lang. Kasi kapag nasabi na ay sapat na para magtanim sa isipan ng marami. Sapat na para kumilos ang mga taga-suporta, o kritiko ng administrasyon. Sapat na para malihis ang atensyon mula sa ibang isyu na lumulutang.

vuukle comment

VITALIANO AGUIRRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with