^

Punto Mo

French artist ikinulong ang sarili sa loob ng dambuhalang bato

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG French artist ang ikinulong ang kanyang sarili sa loob ng isang 12 toneladang bato bilang performance art.

Ikinulong ng 45-anyos na si Abraham Poincheval ang kanyang sarili sa loob ng baton na may inukang espasyo sa loob noong Pebrero 22 at plano niyang manatili doon ng walong araw.

May dala siyang sapat na pagkain at tubig para sa tagal ng pananatili niya sa loob ng bato. Siya mismo ang nag-uka sa bato upang maging tama ang sukat nito para sa kanya.

May maliliit na butas naman ang bato kaya magagawang makahinga ni Poincheval sa loob nito. Nagdala rin siya ng mga lagayan sa loob kung saan puwede siyang umihi at dumumi.

Ang mga maliliit na butas din ang nagsisilbing tanging paraan ni Poincheval upang makipag-usap sa mga nasa labas at sa pamamagitan nito ay naikwento niyang hindi claustrophobia ang kanyang problema sa loob kundi ang kawalan ng tulog.

Wala kasi siyang relo kaya wala siyang paraan upang malaman ang oras kaya hindi siya dinadalaw ng antok.

Sa Marso 1 pa inaasahang lalabas si Poincheval mula sa bato.

vuukle comment

FRENCH ARTIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with