^

PSN Palaro

Racal iiwas madungisan vs JRU

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Itataya ng Racal ang malinis na rekord nito sa pakikipagtipan sa Jose Rizal University sa pagpapatuloy ng 2017 PBA D-League Aspirants' Cup ngayong hapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Galing ang Tile masters sa 13 araw na pahinga kaya’t umaasa si coach Jerry Codiñera na sapat na ang panahong iyon upang makabuo ng solidong game plan para sa kanilang mga susunod na laban.

“We tried to fix our teamwork kasi struggle pa rin kami. We're exposing them to crucial situations and we're hoping that later on, the trust will be there,” wika ni Codiñera.

Aasahan ng Tile Masters sina Kent Salado, Rey Nambatac, Sidney Onwubere at Jackson Corpuz na siyang pangunahing sinasandalan ng kanilang tropa .

Wala pa ring bahid ang rekord ng Tile Masters bitbit ang imakuladang 5-0 baraha.

Haharap si Codiñera sa kapwa PBA legend at Jose Rizal coach na si Vergel Meneses na nais tulu­ngan ang Heavy Bombers na tuldukan ang kanilang three-game losing skid.

Ibabandera ng Heavy Bombers sina Tey Teodoro, Paolo Pontejos at Jhaps Bautista na siyang aariba upang mapaganda ang 2-3 marka ng kanilang koponan.

Nakatakda ang duwelo ng Racal at Jose Rizal sa alas-5 habang magtutuos naman sa unang laro ang AMA Online Education (5-2) at Wangs Basketball (1-5) sa alas-3.

Balik na sa Titans si MVP top candidate Jeron Teng na pansamantalang hiniram ng Mighty Sports na lumaro sa isang invitational tournament sa Dubai.

“Di namin ina-underestimate yung kalaban. We know na mas experienced sila kaya dapat handa lang kami,” wika ni AMA coach Mark Herrera.

Galing naman ang Cou­riers sa 97-96 kabiguan sa Batangas noong Martes.

 

vuukle comment

PBA D-LEAGUE ASPIRANTS' CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with