^

Police Metro

Brgy. kagawad dedo sa tandem

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril at napatay sa harapan ng kaniyang menor de edad na anak ang isang kagawad ng barangay matapos na tambangan ng armadong ‘riding-in- tandem’, sa bayan ng Calasiao, Pangasinan, dakong alas-12:45 ng tanghali, nitong Lunes.

Kinilala ang biktima na si Wilfredo de Vera, aktibong kagawad ng Brgy. Banaoang, Calasiao na nasawi agad sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa imbestigasyon, kararating lamang ng biktima sa kanilang tahanan nang biglang sumulpot ang ‘riding-in-tandem’ at pagbabarilin ito na nasaksihan ng isa sa kaniyang mga anak.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima pero binawian na ito ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Agad namang tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril. Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa masusing imbestigasyon ang motibo ng krimen.

vuukle comment

WILFREDO DE VERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with