^

Para Malibang

Ano’ng Goals na Gustong Gawin Ngayong 2017?

ANGAS NG BAE - Pang-masa

• Gusto ko nang bumuo ng pamilya kaso wala pa akong girlfriend. Pero parang gusto ko nang magkaanak nababagot na kasi ako sa araw-araw na trabaho-bahay lang ang inaasikaso ko. Sana bigyan ako ni Lord ng anak, kahit hindi sa akin tatanggapin at aalagaan ko siya ng parang tunay kong anak. – Phil, Cebu

• Lilipat ako ng trabaho. Sa tinagal-tagal ko na kasing nagtatrabaho sa kumpanya ko eh wala pa akong maipon na sapat para makapag-asawa. Napakaliit kasi ng sahod namin, hindi na makatarungan. Palakasan kasi sa opisina, kung malakas kapit mo eh mas malaki sahod mo kahit baguhan ka lang. Ayoko nang magpakamatay para lang sa barya. – Edgar, Palawan

•Kailangan maka­i­pon ako ng kahit isan­daang libong piso ngayong taon. Gusto kong ibahagi ito sa mga kapos palad pagdating ng susunod na Pasko. Sana marami akong makuhang raket para may sapat akong ipon. Makakuha rin sana ako ng mga sponsor para sa balak kong party. -Arnold, Isabela

• Bumukod sa mga magulang ko ang nais ko lang ma-accomplish sa taong ito. Hindi na rin kasi magkasundo ang asawa ko at ang nanay at tatay. Kahit siguro sa kalapit na lugar lang ay puwede na para naman hindi magtampo sina nanay. Tama lang din naman na may sarili kaming bahay ng misis ko at ng dalawa naming anak. – Sherwin, Ilocos Sur

• Sasakyan para sa pamilya ang target ko this year. Kahit kasi may sasakyan kami, hindi naman kasya ‘pag umaalis kami o kaya may outing. Sana ma-approve loan ko sa bangko para may maaga akong pa-birthday kina mama at papa. Siguradong matutuwa ang mga iyon.              -Raymond, Batangas

vuukle comment

CEBU

PHIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with