^

PSN Showbiz

Kasal ni Rufa Mae naging madalian!

- Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Pitong buwan na pala ang baby girl na ipinagbubuntis ni Rufa Mae Quinto kaya malaking-malaki na ang tiyan niya nang ikasal siya sa kanyang fiancée na si Trevor Magallanes noong Biyernes. Si Quezon City Mayor Herbert Bautista ang nagkasal kina Rufa Mae at Trevor.

Ginanap ang pag-iisang dibdib ng mag-asawa sa The Blue Leaf Cosmopolitan somewhere in Libis at kabilang sa mga ninong si Cesar Montano.

Mga abay sina AiAi delas Alas, Aiko Melendez, Shalani Soledad, Camille Villar, Joyce Jimenez, LJ Moreno at ang non-showbiz friends ni Rufa Mae.

Walong taon ang age gap nina Rufa Mae at Trevor dahil 38-years old na ang comedienne at 30-years old ang kanyang dyowa.

At least, natuloy na ang pagpapakasal ni Rufa Mae na dalawang beses na napabalita noon na lalagay sa tahimik pero hindi natuloy.

Hindi pinangalanan ni Rufa Mae ang mystery guy na si Mr. M na pakakasalan niya dapat noong 2010. Nagpainterbyu si Rufa Mae sa Showbiz Central tungkol sa kanilang plano na pag-iisang dibdib pero nabulilyaso ito.

Naging boyfriend din ni Rufa Mae si Boy2 Quizon at inamin din nila sa national television ang balak na pagpapakasal na mangyayari sana sa Dakak resort noong December 12, 2012 pero hindi rin natupad dahil ibang mhin pala ang nakatadhana na maging asawa ng comedienne.

Whirlwind romance as in mabilis ang pangyayari sa relasyon nina Rufa Mae at Trevor dahil noong 2015 lamang sila nagkakilala at humantong agad ito sa kasalan.

Papa ni Prince gumastos para mapanood ang Working Beks

Kahit walang premiere night ang Working Beks, umuwi pa rin ng Pilipinas mula sa Singapore ang boyfriend ni Prince Stefan bilang suporta sa pelikula ng kanyang papa.

Uuwi sa Pilipinas si Paolo Amores para maging escort niya sa premiere ng Working Beks ang pralala ni Prince sa presscon ng pelikula na pinagbibidahan nila nina TJ Trinidad, Joey Paras, Edgar Allan Guzman at John Lapus.

Ang kaso, hindi nagkaroon ng red carpet premiere ang Working Beks pero napanood ng cast ang pelikula sa special screening nito bago nag-babu para magbakasyon sa Europe ang direktor na si Chris Martinez.

Itinuloy pa rin ni Paolo ang pagbabakasyon sa Pilipinas dahil kasado na ang plano na pagkikita nila ni Prince at ang panonood ng Working Beks sa unang araw nito sa mga sinehan noong Miyerkules ang kanilang unang ginawa. Ganyan ka-supportive kay Prince ang kanyang dyowa.

Kapatid ni Bianca hindi pinalad sa Miss Globe

Hindi pinalad na manalo sa Miss Globe 2016 ang Philippine bet na si Nichole Manalo pero pasok siya sa Top 10 ng beauty pageant na ginanap kahapon sa Tirana, Albania.

Si Nichole ang younger sister ng former beauty queen-turned-actress na si Bianca Manalo at galing sila sa pamilya ng mga beauty queen dahil title holder din ang kanilang kapatid na si Katherine Manalo, ang Bb. Pilipinas World 2002 at ang tiya nila na si Nini Licaros, ang Bb. Pilipinas-International 1968.

Noong nakaraang taon, si Ann Colis ng Pilipinas ang nanalo na Miss Globe sa coronation night na idinaos noong October 2015 sa Toronto, Canada.

Si Miss India Dimple Patel ang successor ni Colis. First runner up si Yenny Carillo ng Colombia at si Kristina Skurra ng Albania ang second runner up.

vuukle comment

RUFA MAE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with