^

Police Metro

US warship dumaong sa Subic Bay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos ang mahigit isang buwang paglalayag sa karagatan ay dumaong sa Subic Bay ang isa sa mga warship ng Estados Unidos para sa routine rest and recuperate visit sa kabila ng mga nakalipas na pagbira ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

Ang Pangulong Duterte ay kumambyo naman matapos na magwagi sa nakalipas na presidential election sa Amerika si Donald Trump.

Sa press statement na ipinadala ng US Embassy sa Defense Press Corps ang USS Comstock (LSD 45 )  na may mga lulang miyembro ng US Marines 11th Marine Expeditionary Unit ay magpo-port call visit sa Subic Bay para pansamantalang makapagpahinga at makapaglibang ang mga tripulante at tropa ng US Marines.

Inihayag pa ng US Embassy  na ito ang ikalawang pagbisita ng USS Comstock sa bansa matapos itong umalis sa Naval Station nito sa San Diego, California noong Oktubre 14.

Ang nasabing warship ay bahagi ng Makin Island Amphibious Readyd Group  na nagsasagawa  ng pagsasanay sa loob ng halos isang buwan at kalahati sa karagatan.

vuukle comment

SUBIC BAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with