^

PM Sports

Clippers pinalubog ang Phoenix Suns

- Pang-masa
Clippers pinalubog ang Phoenix Suns
Binigyan ng foul ni Alex Len ng Suns si Blake Griffin ng Clippers sa second half ng kanilang laro.

LOS ANGELES -- Kumamada si guard Chris Paul ng 24 points, habang kumolekta si forward Blake Griffin ng 21 points at 11 rebounds para pangunahan ang Los Angeles Clippers sa 116-98 paggupo sa Phoenix Suns.

Nagdagdag si center DeAndre Jordan ng 19 points at 11 rebounds sa pagsandal ng Clippers sa kanilang ‘Big Three’ at ilista ang 3-0 record ngayong season.

Pinamunuan naman ni Brandon Knight ang Suns, may 0-4 baraha, sa kanyang 18 points.

Nakadikit ang Suns sa 55-56 agwat sa third quarter bago muling nakalayo ang Clippers sa fourth period.

Umiskor si Griffin ng 15 points sa first half kung saan nagtayo ang Los Angeles ng 13-point lead mula sa 14 turnovers ng Phoenix.

Nagpasikat si Jordan sa harap ng mga fans mula sa iba’t ibang slam dunks at layups bagama’t may sprained right thumb na nakabalot ng tape.

Sa Toronto, tumipa si DeMar DeRozan ng 33 points at tumapos si Kyle Lowry na may 29 markers para ihatid ang Raptors sa 105-102 panalo laban sa Denver Nuggets.

Si DeRozan ang ta-nging Raptor player na nagtala ng tatlong sunod na 30-point games sa pagsisimula ng isang season at siya lamang pati si Oklahoma City guard Russell Westbrook ang nakagawa ni-to ngayong season.

Matapos maglista ang Toronto ng 19-point lead sa second quarter ay nakabangon naman ang Denver at inagaw ang unahan mula sa triple ni Chandler Wilson sa 8:49 minuto ng fourth period.

Sa Atlanta, nagposte si Dwight Howard ng 18 points kasunod ang tig-17 nina Kyle Korver at Dennis Schroder para tulungan ang Hawks sa 106-95 paggiba sa Sacramento Kings  at ilista ang kanilang unang 3-0 start sa nakaraang limang seasons.

Ang bawat Atlanta starter ay umiskor sa double figures at nali-mitahan si Sacramento center DeMarcus Cou-sins sa 14 markers makaraang magposte ng average na 30 points sa una nilang tatlong laro.

Pinamunuan naman ni veteran guard Rudy Gay ang Kings (2-2) sa kanyang 22 points.

Sa New York, nagsalpak si Jimmy Butler ng 22 points, habang may 12 si Dwyane Wade para igiya ang Chicago Bulls sa 118-88 pagdurog sa Brooklyn Nets.

Sa paghugot kina Wade at Rajon Rondo ay tinalo ng Bulls ang Boston Celtics at India-na Pacers.

vuukle comment

PHOENIX SUNS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with