^

PSN Showbiz

Raymond director na sa It Girls

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi lang basta producer ng new E! Asia cable channel reality TV series na It Girls si Raymond Gutierrez. Ang twin-brother ni Richard Gutierrez ang nasa credit bilang direktor ng reality TV series nina Solenn Heussaff, Liz Uy, Georgina Wilson, at Isabelle Daza.

Sabi namin kay Raymond, bongga siya dahil first time niyang magkaroon ng proyekto bilang producer/director, at international pa, huh!

Masaya rin si Raymond dahil mga kaibigan niya ang stars ng It Girls na magpa-pilot telecast na sa E! on October 24. Sa E! rin ipinalabas ang reality TV series ng pamilya ni Raymond, ang It Takes Gutz to be a Gutierrez at hanga sa kanya ang mga taga-NBC Universal na namamahala sa nasabing international cable channel, kaya siya ang naisipang pahawakin sa It Girls.

Asahan na tutulong ang pamilya Gutierrez sa promotions ng It Girls dahil si Raymond nga ang direktor no’n.

Makakatapat nga lang ng pilot telecast ng It Girls ang season 7 premiere ng The Walking Dead na ipapalabas naman sa Fox International Channel, kaya dapat mag-effort sa pagpo-promote ng nasabing reality TV series sina Solenn, Liz, Georgina, at Isabelle.

Oo nga pala, tanging si Liz lang ang hindi ikinasal ngayong taon na ito sa apat na It Girls.

Noong April kasi nagpakasal si Georgina sa England, samantalang noong May ikinasal si Solenn sa France at noong September naman ikinasal sa Italy si Isabelle.

Teka! Ang alam namin, may foreigner-boyfriend na rin si Liz, kailan naman kaya siya magpapakasal? Well…

Vice at Coco aligaga na sa shooting

Ratsada ang shooting ng pelikulang Pak! Ganern! Go! nina Vice Ganda at Coco Martin.

Kahit Saturday at Sunday ay may shooting sila dahil hinahabol nila ang deadline ng Metro Manila Film Festival 2016 (MMFF).

Iba na nga kasi ang ruling ngayon ng MMFF, kailangang finished product na ang isa-submit para malaman kung magka-qualify na maging official entry sa nasabing film festival.

Umaasa sina Vice, Coco at Bb. Joyce Bernal (direktor ng pelikula) na matatapos sila bago magkatapusan.

vuukle comment

RAYMOND GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with