^

PSN Showbiz

Kesa magutom: Female singer binalikan ang isinusumpang bahay!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Babalik ka rin. Ganu’n kung ikuwento ng mga impormanteng nakausap namin ang isang female singer na dati’y akala mo kung sino sa pagbibitiw ng mga salitang negatibo tungkol sa taong dapat niyang tanawan ng utang na loob.

Kung tutuusin ay pinagkakitaan pa nga ng babaeng ito ang kontrobersiya, kapag may gustong kumuha sa kanya para mag-guest sa kahit anong programa ay humihingi siya ng talent fee, marami pa siyang kundisyones bago pumayag.

Kuwento ng source, “Kailangan mo pa siyang ipasundo dahil wala raw siyang kotse, kailangang may food pagdating niya sa studio dahil hindi kuno siya kumakain sa bahay, marami siyang kaechosan nu’n!”

Kumuda siya nang kumuda nu’n, lahat ng negatibong salita na puwede niyang isampal sa mukha ng taong dapat niyang pasalamatan sa pagiging tao niya ay nasabi niyang lahat, pero ano ang nangyari?

Kuwento ng aming impormante, “Nu’ng hindi na niya matiis ang hirap dahil may mga anak siyang kailangan niyang pakainin, nagbaba na siya ng pride. Ang mga bata ang ginamit niyang armas.

“Natural, bumagsak naman ang puso ng lolo n’yo, kaya pinatawad na rin siya at tinanggap! Maldita ang babaeng ‘yun! Nu’ng active pa siya sa pagso-show, e, matindi siyang magmaldita!

“Ang tingin niya sa sarili niya, e, siya na ang pina­kamagaling na singer sa buong mundo, samantalang kundi naman sa influence ng tatay niya, e, walang kukuha sa kanya! Anyare sa kayabangan at kamalditahan niya?

“E, di ngayon, balik na naman siya sa isinuka niyang bahay? Wala na rin siyang boses ngayon para magreklamo, accept na lang siya nang accept sa lahat, or else, Tom Jones (read: gutom) silang mag-iina!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Arnell wala lang magawa kaya nagparetoke ng mata at ilong

Kung ang maraming artistang babae ay panay-panay ang pagdedenay tungkol sa mga bahagi ng kanilang katawan na pinadadagdagan at pinababawasan ay kahanga-hanga si Patricia Tumulak sa pag-amin sa katotohanan.

May kilala kaming aktres na nagpaayos ng ilong sa kilala naming doktor, halos wala nang mahingahan ang aktres dahil sa kaliitan ng butas nu’n, pero tigas pa rin ito sa kadedenay.

May isang young actress na napakabata pa pero sagana na sa saksak ng heringgilya, pero ang sabi nito ay walang peke sa kanyang mukha, kahit pa ibang-iba na ang itsura nito ngayon kesa nu’ng baguhan pa lang itong nag-aartista.

May kakambal sa pagiging totoo si Patricia Tumulak, ang komedyante-TV host na si Arnell Ignacio, katatapos lang niyang magpagawa ng ilong at mata.

Pero hindi siya nagpalagay ng kahit anong pampatangos ng ilong, pinatapyasan lang niya ang magkabilang bahagi nu’n, nalalaparan kasi si Arnelli sa ilong niya.

“Kaliit-liit ng mukha ko, pero ang lapad ng ilong ko, ano ito, lokohan? So, ang magkabilang gilid lang ang pinabawasan ko, walang inilagay na cartilage, nagpatapyas lang ako,” kuwento ni Arnelli.

Isinabay na rin niya ang pagpapagawa ng kanyang mga mata, nakita pa namin ang mga tahi nu’n, para isahan na lang daw ang trabaho. May hinilang balat sa kayang mukha at saka isiniksik sa magkabilang gilid, ngayon ay makinis na makinis na ang kanyang mukha, walang kahit anong nakalaylay na balat.

“Wala lang, kalandian ko lang ito, wala lang akong magawa!” tawa nang tawang kuwento ng primerang tagapagtanggol ni President-elect Rodrigo Duterte.

vuukle comment

ECONOMIC GROWTH

GROSS DOMESTIC PRODUCT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with