^

Para Malibang

Aswang Territory (149)

ASWANG TERRITORY - Gilda Olividado - Pang-masa

NAGPALIWANAG naman si Avia sa mga sumasama ang loob dahil hindi pa sila nabibiyayaan.

“Mga kalahi ko, pasensya na. Hindi talaga lahat ay sabay-sabay. Depende siguro sa atin na ring mga kilos o paniniwala. Halos hindi na ba kayo kumakain ng karne ng tao ke mabuti o masama man? Nagsasakripisyo na ba kayo nang sapat para lumaki ang pagtingin sa inyo ng Diyos?”

Natigilan ang mga tinanong. Hindi nakasagot.

Halatang tinamaan ang mga ito ng mga tanong ni Avia.

May isang mag-asawang umamin.

“Kasi, nakapatay pa rin kami ng isang masamang tao at ginawa naming karne ang kanyang katawan. Tulad nang dati, pinreserb namin at unti-unting kinakain.” Sabi ng lalaki.

“Sabi ko nga kasi sa iyo, Mahal ... puro pagkaing pangtao na lang. Kaso matigas ang ulo mo.” Sumbat naman ng misis.

“O, huwag na kayong magsisihan. Basta gawin n’yo na lang ang tama. Pigilan ninyo ang sarili ninyong kumain ng tao. Ke mabuti, ke masama. Para matulad kayo sa amin na may kakayahan nang mag-transform ano mang oras. Gabi man o araw.” Mahinahong nagpayo si Madam Helena.

Si Father Albert ay may naisip. “Gusto n’yo bang magmisa ako para sa ating lahat? Sumali kayong lahat, magkantahan din tayo para sa Panginoon. Tuturuan namin kayo ni Armani. Alam ninyo ‘yang ina­anak kong ‘yan, ma­galing ‘yan umawit sa simbahan. Ang daming alam na kanta niyan.”

Masayang pumayag ang lahat. Pati ang mga hindi pa nabiyayaan ng kakayahang mag-transform ano mang oras.

At para ngang mga Katoliko ang mga mabubuting aswang na nag-participate sa misa ni Father Albert.

Pagkatapos naman ng misa, nagkaroon na ng privacy sina Avia at Armani.

“Ang ipagtatapat ko sa iyo, Avia ... ay ... dahil sa selos ko kay Draz, pinuntahan ko siya sa kanyang home van. Nag-transform ako at gusto ko  na sana siyang takutin pero naunahan ako ng mga masasamang lahi. Sinugod at kinuyog siya. Ang nangyari tuloy, tinulungan ko na lang siya. Nailigtas ko ang admirer mo.”

“Admirer? Ni hindi nga nanliligaw sa akin ‘yung tao. Ano ka ba naman, Armani?”

“Ah, so ang gusto mo pala ay manligaw siya sa ‘yo?”

“Hindi ko sinabi ‘yan. Bakit ka magseselos, wala kang tiwala sa akin? Ang dami na nating pinagdaanan, duda ka pa rin sa pagmamahal ko?”  Itutuloy

vuukle comment

BUREAU OF TREASURY

TREASURY BILLS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with