^

Metro

Barangay tanod dinedo sa harap ng mag-ina

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Sa harapan mismo ng kanyang mag-ina ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng di-kilalang lalaki ang 43-anyos na barangay tanod  sa Barangay Bagong Ilog sa Pasig City kahapon ng hapon.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Ignacio “Onyok” Intalan ng Intalan Compound sa A. Flores Street, Barangay Ilog sa nasabing lungsod.

Lumilitaw sa ulat ng Pasig City Police na dakong alas-2 ng hapon nang maganap ang pagpatay sa biktima sa tapat ng kani-lang bahay sa harapan ng kanyang mag-ina.

Sa salaysay ng misis na tumangging magpabanggit ng pangalan, nakaupo lamang ang kanyang mister sa harapan ng kanilang bahay habang tumatawag sa cellphone at nanonood ng telebisyon nang biglang lapitan at pagbabarilin ng gunmen.

Noong una umano ay sa labas lamang ng kanilang bakod nagpaputok ang mga suspek bago tuluyang pumasok sa loob ng compound upang isagawa ang pagpatay.

Nasaksihan naman ng misis ang pagpatay sa asawa dahil nasa loob siya ng bahay kasama ang kanyang 5-buwang gulang na anak na babae.

Tinangka pa umano niyang magmakaawa sa gunmen subalit hindi siya pinakinggan nito.

Bigo naman ang ginang na makilala ang gunmen na naka-bonnet at hood.  

vuukle comment

IGNACIO “ONYOK” INTALAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with