PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kahandaan ng Phl sa lindol bubusisiin

MANILA, Philippines –  Inihain kamakailan ni Las Piñas Congressman Mark Villar ang isang re­solusyong nananawagan sa House of Representa­tives na siyasatin ang kahandaan ng Pilipinas sa mga lindol.

Ginawa ni Villar ang House Resolution No. 1072 dahil sa naganap na lindol sa Japan noong nakaraang linggo.

Umaasa siyang sa kanyang resolusyon ay mapapaangat ang kamu­latan ng pamahalaan at ng publiko sa panganga­ilangang maghanda sa kalamidad.

“Aatasan ng resolus­yon ang kaukukang ko­mite ng Kongreso na siyasatin para sa isasagawang batas ang kahandaan ng bansa sa lindol at ibang kalamidad,” sabi ni Villar.

Noong Marso 11, niyanig ng magnitude 8.9 na lindol ang Japan na nagbunsod ng 23 talampakang tsunami at sinundan pa ng mahigit 100 aftershocks na karamihan ay may lakas na 6.0. May 10,000 ang hininalang nasawi sa kalamidad.

Binanggit ni Villar na ang Pilipinas, tulad ng Japan, ay nasa tinatawag na Pacific Ring of Fire, isang arko ng mga lindol at bulkan sa buong Pacific na pinaggaganapan ng 90 porsiyento ng mga lindol sa buong mundo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Nagbabala na ang mga scientific expert sa Pilipinas at ibang bansa sa posibleng susunod na lindol na magaganap sa ating bansa at oras nang tignan ang kahandaan natin sa panganib ng kalamidad at kakayahang rumesponde rito,” sabi pa ng mambabatas.

Ayon sa mga report, kapag niyanig ng magnitude 7 na lindol ang May­nila o mas mataas pa, maaaring umabot sa 35,000 ang masawi o masugatan habang 175,000 gusali ang mawawasak.

Hinikayat niya ang mga Pilipino na manati­ling mahinahon at matuto at umiwas sa mga kumakalat na maling impormasyon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: