PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Mancao lumutang sa DOJ, nanindigan sa kanyang testimonya vs Lacson

MANILA, Philippines - Magsasagawa ng joint conference ang panel of prosecutors ng Department of Justice (DOJ),Office of the Solicitor General (OSG) at kampo ni dating Senior Supt. Cesar Mancao kaugnay sa susunod na hakbang nila kaugnay sa pagkakabasura ng Court of Appeals (CA) sa double murder case ni Sen. Panfilo Lacson.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, kailangan nilang mag convened upang mapag usapan ang merits at de-merits ng kaso  at kung ano ang maari nilang gawin na susunod na hakbang.

Kinumpirma na rin umano ng kampo ng pamilya Dacer kay de Lima sa pamamagitan ng abogado nitong si Atty. Demetriu Costudio na maghahain sila agad ng Motion for reconsideration sa CA subalit sa panig naman ng prosecutors ay hindi pa nila alam kung kailan sila aapela sa kaso dahil hindi pa nila natatanggap ang official copy ng resolusyon ng Appellate court.

Mahigpit umano ang bilin ni de Lima sa panel of prosecutors na bago magdesisyon kung ano ang susunod na aksyon ay dapat muna silang mag usap-usap.

Samantala personal ding nagtungo sa DOJ si Mancao at nanindigan na hindi kasinungalingan o tsismis ang mga salaysay na kanyang inihain sa korte kaugnay sa kanyang nalalaman sa Dacer-Corbito double murder case.

Ayon kay Mancao, walang inconsistencies sa kanyang mga naging testimonya at naipaliwanag na rin umano nito ang kanyang mga naging salaysay sa husgado at naniniwala din ito na nagkamali ang CA sa paghatol sa kanyang kredibilidad.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sinabi pa nito na kahit na pinawalang-sala ng CA sa kaso si Lacson ay hindi siya natatakot at pinaninindigan din umano nito ang kanyang naging testimonya na sangkot din sa nabanggit na krimen si dating Pangulong Joseph Estrada.

Kaugnay nito umapela din si Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Mancao sa OSG na pagsumikapang gawing lahat ng kanilang makakaya  kaugnay sa paghahain ng pleadings sa CA laban kay Lacson. 

Pinuna din ng abogado ang mga pleadings na inihain ng Solgen sa CA na umanoy tila pigil na pigil sa hindi malamang dahilan sa kabila nito pinuri naman ni Topacio ang mga abogado ng OSG partikular na si Solgen Jose Anselmo Cadiz na dating pangulo ng Integrated Bar of the Philippines.   

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: