PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Mga kabalen ni Noynoy kumampi kay Villar

MANILA, Philippines - Ilang mga kabalen ni Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III sa Tarlac ang lumipat na sa kampo ni Nacionalista Party President at Sen. Manuel Villar.

Pinangunahan ni Provincial Board Member Tyrone Aganon (2nd district) ang mga bigating lokal na lider ng Tarlac sa panunumpa sa NP na isi­na­gawa kamakailan sa Laurel Mansion ni Villar sa Mandaluyong City.

Nagpahayag ng panini­wala ang grupo ni Aganon na mas magiging maganda ang kinabukasan ng ma­ma­mayan ng Tarlac sa pamumuno ni Villar kaysa isa sa katunggali nito sa halalang pampanguluhan na si Aquino.

Bukod sa mga taga-Tarlac, nanumpa rin sa NP ang mga lokal na lider ng Nueva Ecija at Tarlac.

Kabilang dito ang ma­ta­gumpay na negos­yanteng si Jack Dulnuan mula sa La Trinidad, Benguet na katu­lad ni Villar ay nanggaling sa mahirap na pamilya at umasenso sa negosyo ng trans­portasyon.

“Iisa ang ating layunin para sa bayan, ang lutasin ang problema ng kahi­rapan at pagkalooban ng trabaho at sariling negosyo ang ating mga kababayan para hindi sila maka­ramdam ng gutom,” ani Villar sa mga bagong kasapi.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sinabi ni Villar na ka­sama sa kanyang prog­rama na pahusayin ang lansangan patungong Gitna at Hilagang Luzon upang mapabilis ang pag­hahatid ng kalakalan sa Metro Manila at kalapit na lalawigan. (Butch Quejada)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: