^

Bansa

Tricycle drivers binalaan sa ‘dagdag-pasahe’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binalaan ng lokal na pamahalaan ng Caloocan ang mga tricycle drivers sa lungsod na maaaring mapatawan ng parusa makaraang makatanggap ng mga ulat na may ilan nang mga namamasada ang basta-basta nagtataas ng pasahe dahil sa TRAIN (Tax Reform Acceleration and Inclusion) Law.

Inatasan ni Mayor Oscar Malapitan ang Tricycle and Pedicab Regulatory Service (TPRS) na mag-monitor sa anumang dagdag-pasahe at sumbong ng publiko upang agad na maaksyunan.

Sinabi naman ni TPRS officer-in-charge Wewel De Leon na hindi nararapat na magkaroon ng agarang pagtataas sa pasahe sa mga tricycle dahil sa kinakailangan pa muna na magpasa ng ordinansa ang Sangguniang Panglungsod para amiyendahan ang ordinansa ukol sa “fare matrix”.

Sa sumbong din sa PSN ni Alma, residente ng A. Mabini Street sa Caloocan, ang dating P50 na pasahe para sa “special trip” ay pilit na ginagawang P60 ngayon ng mga tricycle drivers.

Hinikayat ni De Leon ang publiko na iulat sa kanilang tanggapan ang mga pag-abuso ng mga tricycle drivers upang agad nilang maaksyunan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with