^

Bansa

Leni pinakalma ang LP members

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Vice President Leni Robredo ang mga miyembro ng Liberal Party (LP) na huwag mawalan ng pag-asa kahit pa sinasakmal na tayo ng kadiliman.

Sa kanyang talumpati sa selebrasyon ng ika-72 taon na anibersaryo ng partido, pinuri ni Robredo, chairperson ng partido, ang  kanilang mga miyembro sa matatag na kapit ng mga ito sa LP 

“Marami sa ating nagsasabi, may pag-asa pa kaya tayo? Saan ba tayo patutungo? Binabalot na tayo ng kadiliman. Pero sana huwag tayong mawalan ng pag-asa. Ang ating kasaysayan ay isang kwento ng pakikipaglaban,” wika pa nito.

Kasabay nito ay pinapurihan din ng bise presidente ang mga bagong miyembro ng LP sa katapangan ng mga ito na tumindig, piliin at patuloy na ipaglaban ang paniniwala ng partido.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Sen. Bam Aquino: “Sabi ni VP Leni, kailangang iangat ang mga nasa laylayan. Ngayon po, hindi lang sila kailangang iangat, kailangan po natin silang ipaglaban. Ang kinabukasan po ng ating partido ay hindi nakasalalay sa mga pulitiko kundi sa taumbayan. Panahon na para maging partido tayo ng taumbayan. Maging partido na binubuo ng taumbayan. 

Ipinagdiwang ng LP ang 72nd founding anniversary nito noong Biyernes sa pamamagitan pagtipon sa mga miyembro at mga tagasuporta nito sa mga lungsod ng Quezon, Cebu, Naga, at paglulunsad ng kanilang online recruitment platform.

Daan-daang bagong miyembtro nito ang nanumpa rin sa magkakasabay na seremonya sa nabanggit na mga lugar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with