Power companies na may expired COCs, maaaring mag-operate - DOE
MANILA, Philippines — Upang maiwasan ang krisis sa kuryente dahil sa problema sa Energy Regulatory Commission (ERC), pinayagan ngayon ng Department of Energy (DOE) na makapag-operate ang mga ‘power generation companies’ na may pasong “Certificate of Compliance” (COCs) at mga may nakabinbin na aplikasyon.
Ang desisyon ay dahil sa pagnanais ng DOE na matiyak na walang pagkaantala sa suplay ng kuryente sa bansa dulot ng suspensyon ng Office of the Ombudsman sa apat na komisyuner ng ERC.
Una nang nagbanta si ERC Chairperson Agnes Devanadera na maaaring magkaroon ng problema sa supply ng kuryente sa bansa dahil sa pagkaantala sa mga gawain ng kanilang ahensya dulot ng suspensyon.
“The move aims to protect electricity consumers by preventing disruptions in WESM transactions while the ERC issue is being sorted out,” ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi.
Papayagan na makapagbenta ng kanilang enerhiya ang naturang mga kumpanya sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) upaang makatiyak ng sapat na suplay sa merkado.
- Latest