^

Bansa

5-araw ultimatum vs airport officials

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
5-araw ultimatum vs airport officials

 “I’m giving you five days to clean your ranks. Send me the list of your employees and guards. Kapag meron dyan na may record o kaso, tanggal buong kumpanya,” babala ni Tugade sa mga kumpanya na nag-o-operate sa mga paliparan. File

MANILA, Philippines — Binigyan kahapon ng limang araw na ultimatum ni Department of Transportation (DoTr) Secretary Arthur Tugade ang mga opisyal ng pali­paran, ground handling companies, manpower service providers at security managers upang linisin ang kanilang hanay kaugnay ng insidente ng pagnanakaw sa Clark International Airport sa Pampanga nitong nakalipas na linggo.

Nabatid na ipinatawag ni Tugade ang mga kinauukulang opisyal hinggil sa insidente na ikinagalit ni Pangulong Duterte.

 “I’m giving you five days to clean your ranks. Send me the list of your employees and guards. Kapag meron dyan na may record o kaso, tanggal buong kumpanya,” babala ni Tugade sa mga kumpanya na nag-o-operate sa mga paliparan.

Sinasabing bukod sa Clark International Airports ay talamak din ang pagnanakaw sa mga bagahe ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang mga paliparan sa bansa.

Binigyang diin ni Tu­gade na responsibilidad ng mga kumpanya na nangangalaga sa segu­ridad sa transportation hubs tulad ng paliparan na tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero at ingatan sa halip na pagnakawan ang bagahe ng mga ito.

Samantala upang maiwasan ang mga nakawan ay bawal na rin ang mga bulsa sa uniporme ng mga personnel sa paliparan at hindi dapat na maluwag ang mga boots o sapatos ng mga ito habang bawal na rin ang mga itong gumamit ng cellphone at magsuot ng mga alahas habang naka-duty.

“Hindi na nila kailangan pa ng cellphone, dapat radyo lang ang hawak nila, yung iba sa kanila papasok na walang alahas, paglabas meron na, kaya dapat talaga maghigpit tayo,”  anang opisyal.

Inobliga rin ng opisyal ang mga baggage handlers na magsuot ng body cameras at nasa 100 nito ang inisyal na ipamimigay ng airport officials habang ang mga security companies ang obligadong bumili ng mga magagamit ng kanilang mga tauhan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with