Abbas muling ninomina ni Digong bilang Comelec chair
MANILA, Philippines — Inendorso muli ni Pangulong Duterte ang nominasyon bilang bagong chairman ng Commission on Elections (Comelec) ni Commissioner Sheriff Abbas sa Commission on Appointments (CA).
Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang nomination ni Comm. Abbas bilang chairman ng Comelec kamakalawa matapos mabigong makapasa ito sa CA noong Disyembre nang abutan ng recess ng Kongreso.
Naunang itinalagang officer in charge ng Comelec si Abbas matapos magbitiw sa puwesto si dating Comelec chairman Andres Bautista noong October 2017.
Samantala, itinalaga rin ng Pangulo bilang bagong miyembro ng board of director ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) si Anselmo Simeon Patron Pinili.
Magugunita na nagkulang na rin ang miyembro ng board ng PCSO matapos magbitiw kamakailan si PCSO chairman Jose Jorge Corpuz.
- Latest