^

Bansa

Magta-traydor sa Senado patatalsikin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isusulong ni Sen. Panfilo Lacson ang pagpapatalsik sa sinumang miyembro ng Senado na dadalo sa Constituent Assembly sa MANILA, Philippines — Mababang Kapulungan ng Kongreso kung saan inaasahang mababalewala ang boto ng mga senador.

Sinabi ni Lacson na napagkasunduan nila na magkaisa at isinulong niya ang pagpapatalsik sa sinumang miyembro na pupunta sa Kamara para sumali sa Con-Ass.

Wala naman aniyang tumutol sa kanyang suhestiyon bagaman at wala namang nagpa-plano na makisali sa talaka­yan ng mga kongresista.

“I did suggest that yesterday after we all agreed to close ranks as one body. Nobody objected. Anyway, as of yesterday, wala namang may plano,” ani Lacson sa text message.

Inamin din ni Lacson na nag-alala lamang siya sa posibilidad na may makisali sa talakayan sa hinaharap at maitutu­ring na magta-traydor sa Senado.

Kinumpirma naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang sinabi ni Lacson kung saan nagkasundo ang lahat ng mga senador na panindigan na maging hiwalay ang botohan sakaling matuloy man ang Chacha.

Kinumpirma rin ni Dri­lon na may tsismis na ku­makalat na kapag may isa o dalawang senador na nakisali sa Kamara, posibleng mangahulugan na iyon na sumasali ang Senado sa joint session.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with