^

Bansa

Binata kisay sa pangangarit ng niyog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 38-anyos na binata makaraan itong aksidenteng makuryente habang nangangarit ng niyog sa Brgy. Sumalig, Tambulig, Zamboanga del Sur kamakalawa ng hapon.

 Kinilala ang nasa­wing biktima na si Victor Ma­nago Calgas, 38-anyos, residente ng Brgy. Digson, Bonifacio, Misamis Occidental.

 Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, nangyari ang insidente sa nasabing lugar bandang ala-1:00 ng hapon.

 Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang nangangarit ng niyog ang biktima sa niyugan na pag-aari ni Ferdinand Macquling sa Brgy. Sumalig nang aksidenteng maputol ang service drop ng live wire sa poste ng kuryente nang tamaan ng bumagsak na bunga ng niyog.

 Agad na pinulot ng biktima ang nalaglag na bu­nga ng niyog na tumama sa live wire bunsod upang magkikisay ito bunga ng dumaloy  na malakas na boltahe ng kuryente sa kaniyang katawan.

 Nagulantang na lamang ang kaniyang mga kasamahang kapwa mangangarit ng niyog sa biglaang pagbagsak ng biktima .

 Naisugod pa sa Tambulig Municipal Health Center ang biktima pero idineklara na itong dead on arrival.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with