^

Bansa

Warehouse owner sa P6.4B shabu tatakas?

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinunyag kahapon ni Justice Secertary Vitaliano Aguirre II na nagtangkang lumabas ng bansa ang sinasabing may-ari ng bodega na nakuhanan ng P6.4 bilyong halaga ng shabu mula sa China sa tulong ng isang immigration personnel pero nahadla­ngan sa paliparan.

Sinabi ni Aguirre sa media briefing sa Malacañang na nagtangkang lumabas ng bansa si Richard Cheng sa tulong ng isang emple­yado ng Bureau of Immigration (BI) noong nakaraang linggo pero dahil naglabas ang DOJ ng lookout bulletin ay nahadlangan ito.

Wika pa ni Aguirre, dalawang beses nang tinangka ni Chen na lumabas ng bansa pero hindi siya nagtagumpay kahit may kasabwat itong BI personnel.

Aniya, pinaghahanap na ng NBI ang BI personnel na nag-AWOL na umano’y tumulong kay Cheng upang makalabas ng bansa at nagtangkang manuhol pa ng isang BI personnel upang mapalusot ang Chinese warehouse owner subalit tinanggihan ng immigration supervisor.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with