PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

New Year’s wish ni Joma na peace talks malabo

MANILA, Philippines — Walang nakikitang linaw ang Palasyo ng Malacañang para sa posibilidad na muling mabuhay ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaang Pilipinas at ng CPP-NPA-NDF.

Reaksiyon ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa New Year’s wish ni CPP founding chairman Joma Sison na babalik ang magkabilang panig sa negotiating table at muling makapag-usap tungkol sa kapayapaan.

Ayon kay Roque, malabo sa ngayong mangyari ang hangad ni Joma dahil wala pa rin aniyang nakikitang sinseridad ang gobyerno sa CPP-NPA.

Aniya, patunay lamang na hindi sinsero ang grupo ng makakaliwa sa pagpupursige na maisulong ang peace talks ang ginawang pag-atake nito sa nakalipas na holiday bagamat ipinairal ang ceasefire.

Simple lang naman ayon sa Palace spokesman para makumbinsi ang pamahalaan at pumayag sa muling pakikipag-usap at ito ay ang ipakita lang ng kabilang kampo na totoo sila sa kanilang intensiyon upang makamit ang kapayapaan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: