PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Delubyo ni ‘Agaton’

Binaha rin ang relocation site sa Zone Ahos, Barangay Paknaan, Mandaue City sa Cebu makaraang umapaw ang tubig sa Butuanon River kahapon. Freeman News Service

MANILA, Philippines — Patuloy na mananatili sa lalawigan ng Palawan ang bagyong Agaton hanggang Huwebes.

Ala-1 ng hapon kahapon, si Agaton ay nasa layong 245 kilometro silangan timog silangan ng Puerto Princesa City, Palawan taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometro at pagbugso na umaabot sa  65 kilometro bawat oras.

Si Agaton ay patuloy ang pagkilos pakanluran sa bilis na 28 kilometro bawat oras.

Bunga nito, patuloy namang nakataas ang signal no. 1 sa Palawan kasama ang Cuyo Island.

Ngayong Miyerkules, si Agaton ay inaasahang nasa layong 445 kilometro kanluran, hilagang kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan. 

Sa Huwebes si Agaton ay inaasahang nasa layong 700 kilometro ng hilagang kanluran ng Pagasa Island, Palawan o nasa labas na ng bansa.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Patuloy namang makakaranas ng malawa­kang pag-uulan sa na­turang mga lugar gayundin sa Bicol Region, Eastern Visayas, Southern Quezon, Panay Island at nalalabing bahagi ng  MIMAROPA. 

Pinapayuhan ang mga residente sa nabanggit na mga lugar na mag-ingat at maghanda sa posibleng pagbaha at landslides dahil sa mga pag-uulan doon.

Pinapayuhan naman ng PAGASA ang mga mangi­ngisda na huwag munang maglalayag sa karagatan dahil sa malalaking alon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: