Pinoy co-owner ng HK travel agency dinakip sa panloloko sa mga OFW
MANILA, Philippines — Inaresto na ang isang Pinoy na co-owner ng travel agency sa Hong Kong na nasa likod ng pagka-stranded ng overseas Filipino workers sa paliparan.
Ayon sa ulat ng South China Morning Post, dinakip na si Rhea Donna Boyce, isa sa may-ari ng Peya Travel, para sa kasong conspiracy to defraud.
Daan-daang Pinoy ang naloko ng travel agency matapos silang magbayad ng pekeng ticket ng eroplano.
Lumabas na wala namang naturang biyahe ang eroplano na binili ng mga Pinoy sa Peya Travel.
Kaagad namang tumulong ang Department of Foreign Affairs at Department of Labor and Employment sa mga biktima.
- Latest