^

Bansa

Open Access Bill tinalakay na sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinalakay na kahapon sa Senado ang Open Access Bill na nag­lalayong mabuksan sa ibang players o internet providers ang merkado sa Pilipinas.

Ayon kay Senator Bam Aquino pasado ang panukala sa House of Representatives kaya hinahabol na rin ito sa Senado.

Naniniwala si Aquino na mahalagang mabuksan sa ibang players ang data transmission upang magkaroon ng kompetisyon.

“Ang ibig po sabihin ng Open Access, binubukas natin yung merkado ng Data Provision or Data Transmission sa ating bansa. Nakikita natin na mataas yung pres­yo ng data sa Pilipinas, at mabagal po at hindi maganda yung kalidad dahil kakaunti lang yung market players nito. Kapag naituloy natin yung Open Access, maibubukas po natin ‘yung buong merkado,” sabi ni Aquino.

 Ipinaliwanag pa ni Aquino na magkakaiba ang segment ng merkado dahil may mga kumukuha ng internet mula sa mga submarine cables at dapat mabigyan ng pagkakataon ang ibang players na makapasok sa bansa.

 Ani pa ni Aquino, kahit pa aniya mula sa China o sa ibang bansa manggaling ang mga players, ang malahaga ay mapabilis ang internet sa bansa at mas magmura ang presyo nito.

Naniniwala rin ang senador na dapat mas ma­ging madali ang pagpasok ng mga pla­yers dahil sa ngayon ay kinakailangan pa ng congressional franchise at iba’t ibang permits.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with