^

Bansa

Senglot na kelot napagtripan, tinarakan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Utas ang isang 21-anyos na construction worker na hinihinalang napagtripang saksakin nang makitang la­sing na lasing na naglalakad, sa New Panaderos St., Punta, Sta. Ana, Maynila, kamakalawa.

Idineklarang patay makalipas ang ilang oras sa Sta. Ana Hospital ang biktimang kinilalang si Antero Hidalgo Jr., ng Decena St., Pasay City sanhi ng tinamong saksak sa dibdib.

Sa naantalang report ni SPO4 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas -12:30 ng madaling araw, kamakalawa sa tapat ng isang gas station sa New Panaderos St., Sta Ana, Manila.

Sa imbestigasyon, ang biktima at isang Dennis Beltran, 21, kasamahang construction worker, na magkasamang naglalakad pauwi sa kanilang barracks mula sa pakikipag-inuman.

Dahil sa sobra ring kalasingan ay hindi umano napansin ni Beltran na wala na sa tabi ang biktima at nagulat na lang nang may lumutang na lalaki sa kaniyang harapan na may hawak na balisong kaya sinubukan niyang habulin subalit mabilis umanong sumakay sa isang dyip na nakahimpil at biglang pinasibad ng isa pang lalaking naka-antabay sa manibela sa direksiyon ng Kalentong Market.

Hinanap niya ang biktima at nang mamataan ay sapu-sapo na ang kaliwang dibdib na duguan at saka tuluyang bumagsak.

Itinakbo ni Beltran sa nasabing pagamutan ang biktima subalit bigo na siyang maisalba ng mga doktor.

Inilarawan niya ang suspek sa taas na 5’6 hanggang 5’7; payat, nakasuot ng bullcap, naka t-shirt, shortpants at may hawak na balisong.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with