^

Bansa

TESDA, kinondena ang pananambang sa isang director ng ahensya

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tahasang kinondena ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang pananambang sa provincial director nito sa Negros Occidental na nagresulta sa pagkabulag nito sa Talisay City noong nakaraang linggo.

Ayon kay Secretary Guiling Mamondiong, director general ng TESDA, dapat mana­got ang mga salarin sa pamamaril kay PD Julius Romero, na nagtamo ng ilang tama ng bala sa katawan at ulo.

“Ang buong komunidad ng TESDA ay hindi makakapayag sa mga ganitong karumal-dumal na krimen, kaya’t nana­nawagan kami sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng malalimang pagsisiyasat sa nangyaring pananambang,”ani Mamondiong.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, papauwi na ang biktimang si Romero, 45-anyos mula sa tanggapan ng TESDA sa Negros Occidental nang ito ay harangin at pagbabarilin ng mga salarin sa Trangka Street, Barangay Zone 12,Talisay City.

Lumalabas sa pagsisiyasat na may ilang minuto na ring nag-aantay ang mga salarin sa biktima sa naturang lugar.

Si Romero ay kasalukuyan ngayong nagpapagaling sa River­side Medical Center.

Ang biktima ay ilang linggo pa lamang nagli­lingkod bilang provincial director ng naturang lalawigan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with