^

Bansa

Martial Law extension tiniyak ni Alvarez

Gemma Garcia at Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Martial Law extension tiniyak ni Alvarez

Ito ay dahil nakita niyang mabigat ang basehan ng rekomendasyon ng militar at pulisya para palawigin ang batas militar sa rehiyon. Pantaleon Alvarez/Released, File

MANILA, Philippines — Sigurado na si House Speaker Pantaleon Alvarez na maaaprubahan ng Kongreso ang isang taong Martial Law extension sa Mindanao.

Ito ay dahil nakita niyang mabigat ang basehan ng rekomendasyon ng militar at pulisya para palawigin ang batas militar sa rehiyon.

Giit ni Alvarez, wala siyang nakikitang constitutional issue sa extension kaya lulusot ito kahit pa may magkwestyon sa Korte Suprema.

Bwelta naman niya sa mga nagsasabing walang basehan ang hirit na Martial Law extension ay hinamon sila ni Alvarez na magtungo sa Mindanao.

Hindi umano porke deklarado nang tapos ang giyera sa Marawi ay tapos na rin ang banta ng mga terorista at sa katunayan, nagpapatuloy umano ang extortion ng mga ito sa mga plantasyon at minahan sa iba’t ibang panig ng Mindanao.

Katwiran ni Alvarez na napakatagal na ng rebelyon sa Mindanao na kailangang tapusin na ng gobyerno para makaahon naman ang kanilang rehiyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with