^

Bansa

Biyaheng Cubao-Davao City ng colorum vans, pinabubusisi sa LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinabubusisi ng Law­yers for Commuters and Protection (LCSP) sa Land Transportation Fran­chising and Regulatory Board(LTFRB) ang natanggap na reklamo ng una na may mga UV Express sa may Araneta Commercial Center Cubao ang pumapasada sa rutang Cubao- Davao City.

Ayon kay Atty Ariel Inton, founding President ng LCSP, batay sa  rekla­mong natanggap mula sa barangay official sa nabanggit na lugar, colorum ang naturang mga sasak-yan na naniningil ng P2,500 na pasahe kada tao.

 “Nakakagulat ang layo ng byahe nito. Ang nakalulungkot ay may mga pasaherong pumapatol dito.Nakakalusot daw ito dahil sa may mga ilang tiwaling opisyal ang protektor ng mga van at nakikinabang dito” pahayag ni Inton.

Binigyang diin ni Inton na lubhang mapanganib ang ganitong kalayong biyahe para sa van bukod sa wala itong personal passenger accident  insu-rance bunga ng pagiging colorum ng naturang mga sasakyan.

“Mukhang “open secret” ito at pumipikit lang ba ang mga dapat manita at manghuli sa kanila”. May lomirasyon ang distansya na dapat itakbo ng uv express at jeep “paha­yag pa ni Inton.

Anya, batay sa pinaka­ba­gong LTFRB memorandum circular 2017-031, ang implementing rules on maximum distance policy para sa passenger jeepneys ay may maximum na 15 kilometers route length sa highly urbanized cities, independent component cities at component cities.

Ang maximum naman  anya ay 35 kilometers sa Inter regional- Inter provincial provincial at municipal routes at sa UV express naman ay may maximum 35 kilometers sa highly urbanized independent component at component cities. May 35 kilometers sa inter regional inter provincial  at municipal routes na originating at terminating sa Metro Manila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with