^

Bansa

Aplikasyon sa vacant position sa SC minanipula ni Sereno! – Jardeleza

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Personal na isinalaysay ni Supreme Court (SC) Associate Justice Francis Jardeleza sa pagdinig ng House Committee on Justice ang ginawa umanong pag-manipula ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno para maitsapuwera siya sa mga aplikante  sa bakanteng posisyon sa Korte Suprema.

Sa impeachment hearing ni Sereno, sinabi ni Jardeleza na bago siya ma-interview sa Judicial and Bar Council (JBC) para sa posisyon ng SC ay may nagbigay sa kanya ng impormasyon na kinuwestyon ni Sereno ang kanyang integridad.

Ito ay dahil sa naging paghawak umano niya sa kontrobersiya sa West Philippine Sea.

Iginigiit umano ni Sereno ang Rule 10, Section 2 ng JBC rules na agad nagsasantabi sa aplikasyon ng isang aplikante kung mayroon siyang integrity issue kung kaya nalaglag si Jardeleza sa shortlist.

Dahil dito, napilitan umano si Jardeleza na umakyat sa Korte Suprema.

Sa ilalim ng rule, kailangan ang unanimous vote ng JBC para ma-overcome ang pagharang sa aplikasyon ng isang aplikante.

Sa pahayag naman ni dating Associate Justice Arturo Brion, na noon ay nasa Korte Suprema pa ay naglabas siya ng matapang na opiniyon sa ginawa ni Sereno kay Jardeleza. Giniit niya na malinaw na pumasa “with flying colors” si Jardeleza sa interview ng JBC at “shoo in” o panalo na siya dapat sa posisyon. Pero minanipula umano ni Sereno ang JBC shortlist para ma-exclude si Jardeleza.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with