^

Bansa

ISIS, NPA target ng martial law!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Gagamitin ng Malacañang ang extension ng martial law (ML) sa Mindanao upang malipol ang mga teroristang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) at New People’s Army (NPA) na kumikilos at nagpapalakas ng kanilang grupo sa katimugang bahagi ng Pilipinas.

Ito ang binigyang-diin kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang mapalawig ng isa pang taon ang pagpapatupad ng martial law sa buong rehiyon ng Mindanao.

“As long as there are acts of rebellion committed in Mindanao, yes, he will use the martial law against NPA. President Duterte will use the full force of martial law vs NPA,” pahayag ni Sec. Roque sa media briefing sa Malacañang.

Pormal nang hiniling ni Pangulong Duterte sa Kongreso ang 1-year extension ng martial law sa Mindanao mula Enero 1, 2018-Disyembre 31, 2018 dahil na rin sa patuloy na banta ng terorismo sa rehiyon.

Ang 5-pahinang sulat ng Pangulo na humihiling ng 1-taong extension sa martial law sa Mindanao ay natanggap nina House Speaker Pantaleon Alvarez at Senate Pre­sident Aquilino “Koko” Pimentel III kahapon.

Sa kanyang liham, niliwanag ng Pangulo na malaki ang naitulong ng pagpapairal ng martial law sa Mindanao para humupa ang karahasan doon at nakontrol ang rebelyon sa rehiyon at kailangan pa itong ipagpatuloy dahil mabigat pa ang banta sa seguridad. Sa katunayan, umabot na aniya sa 920 ang Daesh-inspired fighters at mga lider ang na-neutralized sa panahong ipinatutupad ang martial law sa Minda­nao habang 139 terorista ang naaresto at 61 dito ang nakasuhan na. Napabilis din aniya ang pagpapalaya sa Marawi City mula sa kamay ng mga teroristang Maute group.

Gayunman, base na rin umano sa assessment ng militar, kailangan pa ng pagpapatupad ng martial law sa Mindanao para siguraduhin ang lubos na pagbuwag ng Daesh-inspired group na Da’Awatul Islamiyah Waliyatul Masriqu at iba pang lokal at dayuhang terror groups na namumugad sa Mindanao. Kasama rin sa konsiderasyon sa 1-year ML extension ay ang iba pang armed lawless group pati na ang Communist Party of the Philippines- New Peoples Army (CPP-NPA) na idineklara na ng Pangulo na terrorist group.

Iginiit ng Pangulo na sa kabila ng pagkakapatay sa ISIS-Maute leader na sina Isnilon Hapilon at Maute brothers, patuloy pa rin sa pag-recruit ng mga terorista matapos ang pagkakabuwag sa Maute-IISIS sa bakbakan sa Marawi City. Tinukoy ng Pangulo ang mga lugar sa Central Mindanao lalo na sa mga probinsya ng Maguinda­nao, North Cotabato, Sulu at Basilan kung saan aktibo ang mga nasabing grupo. Na-monitor din ng militar ang kilos ng Turaife group na siyang kapalit umano ni Hapilon at nagbabalak ng mga pag-atake at pambobomba sa Cotabato area. Nariyan din aniya ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Abu Sayyaf Group (ASG) na responsable sa mga roadside at IED bombings sa Maguindanao, Cotabato, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi at Zamboanga Peninsula habang panay din ang pag-atake ng NPA.

Dahil dito, magdadaos ng joint session ang Kongreso bukas, Miyerkules upang talakayin ang panukalang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Ayon kay Pimentel magbibigay ng briefing sa mga mambabatas ang mga martial law adminis­trators dakong alas-10 ngayong umaga tungkol sa kahilingan ni Duterte na palawigin ng isa pang taon ang martial law.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with