^

Bansa

Head security inutas ng tauhan!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Nanita ng dalaw

MANILA, Philippines — Isang head security guard ang patay nang barilin ng kanyang tauhang guwardya matapos na sitahin at paalisin ang asawa at apo nito sa dumalaw sa kanilang binabantayang paaralan sa Brgy. Loyola Heights, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

 Hindi na umabot pang buhay sa Quezon Memorial Medical Center ang biktimang si Richard Correa, 33, security guard ng Red Eye II Security Agency at residente ng Block 20, Lower Eastwest, Kabisig, Cainta, Rizal matapos na barilin sa dibdib na tumagos sa kanyang puso ng suspek na si Rolly Deogracias, 47, ng Brgy. 70, Pasay City.

 Sa ulat sa tanggapan ni P/ Supt. Rodelio B. Narcelo, hepe ng QCPD-CIDU, dakong alas-7:45 ng gabi naganap ang krimen sa loob ng Philippine School of Business Administration (PSBA) sa1029 Aurora Boulevard, Brgy. Loyola Heights.

Sa ulat ni PO1 Christian Loyola,  nag-ugat ang pamamaril nang dalawin sa PSBA si Deogracias ng kanyang misis na si Marilyn, kasama ang kanilang apo..

 Ayon sa guwardiyang si Aladino Naldosa, nakatalaga sa accounting office ng PSBA, nang malaman umano ni Correa na nandoon ang misis ng suspek ay agad niyang niradyuhan ang huli sa binabantayang Gate 1 at tinanong kung hanggang anong oras magtatagal ang asawa nito at apo. Sumagot naman ang suspek na sandali lamang ang asawa at apo sa lugar dahil binisita lamang siya. Gayunman, makalipas ang ilang minuto at hindi pa rin umaalis ang maglola ay niradyuhan ng biktima si Naldosa at inutusan na puntahan si Deogracias para paalisin na ang pamilya nito sa loob ng paaralan.

 Hindi pa man umano nakararating si Naldosa sa puwesto ni Deogracias sa Gate 1 ng PSBA ay nakarinig na siya ng putok ng baril at nadatnan ang  nakahandusay at duguang biktima. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with