‘Palawigin pa ang Martial Law sa Mindanao’
Duterte sa Congress
MANILA, Philippines — Nais ni Pangulong Duterte na palawigin ng isa pang taon ang pag-iral ng Martial Law sa Mindanao, ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea.
Ito ang nakapaloob sa liham ni Pangulong Duterte na nilagdaan nito at ipinadala sa Kongreso.
“There is already a letter, but I don’t know if delivered already... Recommendation is one year,” ayon kay Sec. Medialdea.
Tatalakayin kaagad ng Kamara ang kahilingang extension ng Martial Law ngayon matapos matanggap ang sulat ng Pangulo.
Nauna rito, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na pinag-aaralan pa ng Pangulo ang rekomendasyon ng PNP at AFP para sa extension ng ML sa Mindanao.
- Latest