^

Bansa

Aguirre dumepensa sa pag-abswelto kay Faeldon

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpaliwanag kahapon si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa naging pag-abswelto ng Department of Justice (DOJ) kay dating Bureau of Customs chief Nicanor Faeldon at iba pang BOC offivcials na idinadawit sa nadiskubreng P6.4-bilyong shabu mula China.

Reaksiyon ni Aguirre sa mga banat ng ilang mambabatas, masyado lamang umanong mabilis magkomento ang ilang mga senador subalit hindi naman alam ang proseso sa kagawaran.

Paliwanag ng kalihim, hindi maaring makialam ang kanyang tanggapan sa trabaho ng National Pro­secution Service (NPS) na nagsagawa ng preliminary investigation sa reklamong iniharap sa DOJ ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Wika niya, handa siyang humarap sa mga senador sakaling siya ay ipatawag para magpaliwanag.

Naniniwala ang kalihim na nais lang palabasin ng mga mambabatas at nang kanyang mga kritiko na kumukwestiyon sa resolusyon ng DOJ panel na dinidiktahan niya ang mga miyembro nito.

Samantala, nagpaliwanag din ang mismong panel na humawak sa reklamo ng PDEA kung bakit hindi nakasama sa asunto ang grupo ni Faeldon.

Ani Assistant State Prosecutor Aristotle Reyes, ibinase lamang nila ang resolusyon sa kaso sa mga inilatag na ebidensya ng complainant.

Hindi pa naman umano ito pinal dahil dadaan pa ang kaso sa automatic review ng DOJ.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with