^

Bansa

Retirement age ng sundalo, pulis dapat 60 yrs. old

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Masyadong maaga ang edad na 56 para maging retirement age ng mga nasa police at military service.

Iginiit ni Pangulong Duterte, lugi ang gobyerno sa maagang mandatory retirement age na 56 para sa mga pulis at sundalo dahil sa gayung edad ay produktibo pa aniya ang mga ito.

Sabi ng Pangulo, dapat ay gawing 60 years old ang retirement age ng mga PNP at AFP personnel.

Anya, ang edad na 56 ay maaari naman na bigyan ng magaang na trabaho na lang ang mga sundalo at pulis hanggang sa maabot nito ang edad na 60.

Napipilitan aniya siyang saluhin ang mga retirado dahil sayang naman ang kalibre at pagiging produktibo ng mga ito na pawang hindi pa nga nahahanay sa kategoryang senior citizen.

“Actually, ‘yung 56 mag-retire? Dapat mga 60. Tutal may bago namang pumapasok eh. ‘Pag magre-retire naman, malapit na ‘yan, in a matter of 56, 57, 58. We can make it even sa 58, medyo ano na, light duties na lang,” giit pa ng chief executive.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with