PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

KILALANIN: Final 12 ng Gilas na sasabak kontra Japan

MANILA, Philippines – Isang araw bago ang simula ng kanilang kampanya sa FIBA World Asian Qualifiers, inihayag na ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes ang Final 12 ng kanilang koponan.

Makakasagupa ng Pilipinas ang Japan bukas kung saan pangungunahan nina Gilas veterans Calvin Abueva, Japeth Aguilar, Jayson Castro, June Mar Fajardo, Allein Maliksi at Gabe Norwood ang koponan.

Makaksama rin nila ang mga bagets na sina Kevin Alas, RR Pogoy, Troy Rosario, Matthew Wright at Kiefer Ravena.

Muli namang babalik sa national team si Andray Blatche matapos hindi lumahok sa 2017 FIBA Asia Cup.

Nilinaw naman ni Reyes na maaari pang mabago ang lineup kapag nakaharap na nila ang Taiwan as Nobyembre 27.

Dahil dito ay may pag-asa pa sina Mac Belo, Carl Bryan Cruz at Raymond Almazan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: