^

Bansa

Warrant vs Romero ibinasura ng CA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang warrant of arrest  laban kay 1-Pacman partylist Rep. Michael Romero na ipinalabas ng Manila Regional Trial Court (RTC).

Ang 20-pahinang desisyon na may petsang Nobyembre 16, 2017 na isinulat ni Associate Justices Magdangal de Leon na sinang-ayunan naman nina Justices Franchito Diamante at Zenaida Galapate-Laguilles.

Ito ay matapos magpasya ang CA fifth division na baligtarin ang finding of probable cause laban kay Romero at sa kapwa niya akusado na sina Felicia Aquino at Edwin Jeremillo para sa kasong qualified theft, na non-bailable offense.

Matatandaan na nag-ugat ang kaso sa inihaing reklamo ng Harbour Center Port Terminal Inc. (HCPTI) matapos na mag-isyu ang grupo nina Romero ng 18 tseke mula sa bank account ng HCPTI bilang bayad sa National Food Authority (NFA).

Sa desisyon ng CA, nakitaan nila ng grave abuse of discretion o pagmamalabis si Manila RTC Judge Cicero Jurado Jr. nang kanyang balewalain ang motion to withdraw information na isinumite ng Department of Justice (DOJ).

Ang pag-abusong ito ay lumala pa nang magdesisyon umano ang hukom na may probable cause ang kaso, bagay na sakop umano ng mandato ng prosekusyon.

Sinabi pa  ng appellate court na para umusad ang reklamong kriminal laban kay Romero, ay kaila­ngan munang malutas ang tinatawag na “prejudicial question” na tumutukoy sa usapin ng pagmamay-ari ng HCPTI.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with