^

Bansa

Jihadists sa Maguindanao, Cotabato minomonitor

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagmomonitor ng tropa ng militar sa sinasabing mga dayuhang Jihadists na umano’y tumutulong sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao at Cotabato.

Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Major Gen. Restituto Padilla Jr. matapos na ibunyag ng isang opisyal na may 100 dayuhang Jihadists umano ang nakapasok sa bansa sa pamamagitan ng pagdaan sa southern backdoor entry ng Pilipinas  noong kasagsagan ng Marawi City siege sa Lanao del Sur.

Gayunman, sinabi ni Padilla na hindi sa kanila nanggaling ang report na ito at patuloy pa nila itong kinukumpirma.

Aminado naman ang opisyal na sa huling monito­ring nila ay nasa 8 na lamang ang dayuhang terorista na kanilang tinutugis sa rehiyon

“Foreign-looking but we need to validate and ascertain. Hindi namin sure (if ga­ling Marawi) pero malamang iba ‘to. They maybe any nationality that’s why there’s a need to check further,” ani Padilla.

Inihayag nito na tuluy-tuloy pa rin ang operasyon ng militar upang lipulin ang nalalabi pang mga BIFF.

Binigyang diin pa ni Padilla na nanatili ang banta ng terorismo sa Pilipinas kaugnay ng presensya ng mga dayuhang terorista.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with