^

Bansa

Tugade ‘di sisibakin – Roque

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Tugade �di sisibakin � Roque

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, namana sa nakaraang administrasyon ang mga problemang kinakaharap ni Tugade pero patuloy silang nagmamasid sa ginagawa nitong hakbang. Senate PRIB/Albert Calvelo, File

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi pa sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Transportation Secretary Arthur Tugade kahit pa nadaragdagan ang mga nananawagan na bumaba na siya sa puwesto dahil sa hindi pa rin maresolba ang mga problema sa kanyang departamento kabilang na ang trapiko at mga aberya ng MRT.

Ayon kay Roque, namana sa nakaraang administrasyon ang mga problemang kinakaharap ni Tugade pero patuloy silang nagmamasid sa ginagawa nitong hakbang.

“Well, gaya po ng sinabi ko ‘no,  ang mga problema po ay namana. At kami naman po ay nagmamasid at nag-oobserba sa mga hakbang na ginagawa ni Secretary Tugade,” ani Roque.

Pero hindi pa aniya panahon para sibakin si Tugade sa puwesto lalo pa’t buo pa ang tiwala sa kanya ng Pangulo. 

Ipinunto rin ni Roque ang naunang pahayag ng Pangulo na susuportahan nila si Tugade sa mga kailangan nito para maayos ang problema sa MRT.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with