^

Bansa

Apela ni Mabilog na maibalik sa puwesto, ibinasura ng CA

Pilipino Star Ngayon
Apela ni Mabilog na maibalik sa puwesto, ibinasura ng CA

Sa 4-pahinang resolusyon ng Special 1st Division na isinulat ni Associate Justice Ramon Paul Hernando, pinagtibay ng CA ang kautusan ng Office of the Ombudsman na pagsibak sa puwesto kay Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog. ADB Photo

MANILA, Philippines — Tuluyan nang ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang hirit ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog na baliktarin ang desisyon ng Office of the Ombudsman na tanggalin siya sa kanyang puwesto dahil sa alegasyon ng ill-gotten wealth.

Sa 4-pahinang resolusyon ng Special 1st Division na isinulat ni Associate Justice Ramon Paul Hernando, pinagtibay ng CA ang kautusan ng Office of the Ombudsman na pagsibak sa puwesto kay Mabilog.

Kung maaalala, si Mabilog ay isa sa mga pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa listahan ng mga “narco-politician.”

Sa desisyon ng Ombudsman na may petsang Oktubre 6, 2017, si Mabilog ay pinatawan ng “dismissal from service” bilang parusa matapos makitaan ng substantial evidence ang paratang na “serious dishonesty” laban sa kanya dahil sa mga nakaw na yaman.

Ang desisyon ng CA ay sinang-ayunan naman nina Acting Presiding Justice Remedios Salazar-Fernando at Justice Zenaida Galapate-Laguilles.

Kasabay ng tuluyang pagsibak ng Ombudsman kay Mabilog, kanselado na ang civil service eligilibity nito at habambuhay na rin siyang hindi papayagang makabalik sa alin mang posisyon sa gobyerno.

Si Mabilog ay bumiyahe sa labas ng bansa noon pang Setyembre 11 para umano magpagamot.

Matapos ang matanggal si Mabilog sa puwesto, itinalaga ng Department of Interior and Local Government (DILG) si Vice Mayor Jose Espinosa III bilang alkalde ng Iloilo City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with