^

Bansa

Kompensasyon ng mga pasahero ng MRT isinusulong

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinusulong sa Kamara de Representantes ang panukalang batas na magbibigay ng kompensasyon sa mga pasahero ng MRT 3 na naaaksidente at nalalagay sa panganib.

Sinabi ni House Metro Manila Development  Committee Chairman at Quezon City Rep. Winston Castelo na pinag-aaralan na ng Kongreso kung kailangang obligahin ang pamunuan ng MRT 3 na pagbayarin ng kumpensasyon sa mga pasahero nito.

Partikular umano sa bawat pasahero nito na naaksidente, dumadanas ng panganib at matinding inconvinience dahil sa napakadalas na aberya ng MRT 3 tukad ni Angeline Fernando.

Giit ni Castelo, hindi maaaring “business as usual” na lamang palagi para sa nasabing tren pagkatapos ng bawat aberya nito na resulta ng matinding kapabayaan.

Dahil dito, nais ng mambabatas na pag-aralan ng Kamara ang isyu ng pagbibigay ng kompensasyon o indemnification sa isinusulong na imbestigasyon ng Kapulungan sa kapalpakan ng operasyon ng MRT-3

Idinagdag pa ni Castelo na hindil lamang ang usapin ng sabotahe ang dapat nilang silipin kundi lalo na sa pinakahuling insidente kung saan kumalas ang isang bagon sa tren ng MRT-3 kundi maging ang posibilidad na sinadya ito para ipahiya ang Duterte administration.

Bunsod nito, hinikayat ng kongresista ang Kamara na bigyang prayoridad ang pagsisiyasat na ito ngayong balik na ang kanilang sesyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with