^

Bansa

Ex-BuCor chief Ragos, pinatatanggal ng DOJ sa Bilibid drug trade case

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon
Ex-BuCor chief Ragos, pinatatanggal ng DOJ sa Bilibid drug trade case

Sa mosyon, nais ng DOJ na matanggal bilang respondent si Ragos kung saan nagpahiwatig si Quezon City Asst. Prosecutor Ramoncito Ocampo na gawin itong state witness laban kina de Lima at Dayan. Edd Gumban, File

De Lima, Dayan naiwan

MANILA, Philippines — Pinatatanggal ng De­partment of Justice sa kaso ng Bilibid drug trade si dating Bureau of Correction (BuCor) chief Rafael Ragos at gagawing state witness laban kina Sen. Leila de Lima at Ronnie Dayan.

Nabatid na nagsumite ang panig ng prosekusyon ng motion to amend information kay Judge Juanita Guerrero ng Muntinlupa RTC Branch 204.

Sa mosyon, nais ng DOJ na matanggal bilang respondent si Ragos kung saan nagpahiwatig si Quezon City Asst. Prosecutor Ramoncito Ocampo na gawin itong state witness laban kina de Lima at Dayan.

Nangangahulugan na ang dating magka-relasyon na lang na sina de Lima at Dayan ang hiniling ng DOJ na malitis kaugnay sa drug trade sa loob ng National Bilibid Prison.

Inihirit din ng prose­kusyon na mabago ang isinampang kaso, mula sa illegal drug trade ay gawing attempt or cons­piracy to drug trading at criminal liability of government officials, na kapwa nakapaloob sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act.

Samantala, sinabi naman ni Boni Tacorda, isa sa mga abogado ni de Lima, ang mosyon ng DOJ ay pagpapatunay lang na hindi nila alam kung ano ang talagang partikular na kaso na isasampa laban sa senadora.

Muli lang din hiniling ng kampo ni de Lima na bitawan ni Guerrero ang pagdinig sa kaso.

Itinakda sa ?January 24, 2018 ang pagbasa ng sakdal kina de Lima at Dayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with