^

Bansa

Subway project sa MM popondohan ng Japan

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

‘Financing agreement’ nilagdaan

MANILA, Philippines — Nilagdaan na ng Pilipinas at Japan kamakalawa ang “financing agreement” para sa pagpopondo sa kauna-unahang Metro Manila subway project na inaasahang lulutas sa problema sa trapiko sa Kalakhang Maynila.

Ginanap ang paglagda sa kasunduan sa ginanap na sideline ng ASEAN-Japan meeting kung saan ay nagkaroon ng bilateral talks sina Pangulong Duterte at Japanese Prime Minsiter Sinzo Abe sa PICC kamakalawa ng hapon.

Ang Japanese loan ay nagkakahalaga ng 104.53 billion yen (P46 billion) para sa phase 1 ng proyekto.

Ang itatayong subway ay mula sa Mindanao Avenue in Quezon City hanggang sa Food Terminal Inc. sa Taguig City at posibleng  may extension sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Bukod dito, nilagdaan din ang isa pang Japanese loan agreement na nagkakahalaga ng P4 bilyon para sa konstruksyon ng bypass road sa Plaridel, Bulacan at isang grant na nagkakahalaga ng P1 bilyon para sa counter-terrorism sa Mindanao at muling pagbangon ng Marawi City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with